Monday, February 25, 2013

RH BILL


Ang RH Bill ay nakakatulong sa mga taong mahirap hndi kayang buhayin ang maraming anak. Ito ay makakatulong para maiwasan ang pagdami ng mga kababaehang nanganagnak. Tulad na lamang ng emahe na nasa taas na hindi na alam kng paano nila bubuhayin ang kanilang mga anak. Pero bakit ganun, kung sino pa ang nahihirapan sa buhay un pa ang may lakas na loob na magparami ng anak. Pero dapat bago gumawa ng mga habang isipin muna kung tama ba o nakabubuti ito para sa ating pamilya.

Marami ding bata ang namamatay dahil sa sobrang gutom o kapabayaan ng mga magulang. At ang iba namang nanay ay iniiwan na lang kung saan-saan ang kanilang mga anak kahit ito ay sanggol pa lamang. Tulad na lamang ng emahe na nasa baba na sobrang payat na nila dahil wala na silang makain sa sobrang dami nila...


Meron namang ibang tutol sa RH Bill tulad na lamang ng simbahang katuliko. Tutol ang simbahang katuliko dahil ang gusto nakasaad sa bibliya na tayo ay magparami. At dahil na rin sa rason na ang RH Bill ay paraan ng pagpatay ng mga sanggol o pagpigil na mabigyang pagkakataon ang bawat sanggol na mabuhay.

Meron namang sang-ayon sa RH Bill. Dahil ito ang paraan upang mapigilang ang mga batang naghihirap at nakakaranas ng kagutoman. Para din ito sa mga pamilyang hnd kayang matustusan ang maraming myembro ng pamilya.

Sa panahon natin ngaun dapat magkaroon tayo ng "Family Planning" dahil sa pamamagitan nito mas malaki ang kapasidad na mabibigyan natin ng magandang kinabukasan ang ating pamilya. At para rin magkaroon tayo ng tamang oras sa bawat myembro ng pamilya. Kaya dapat ang mga kabataan katulad ko ay magisip muna kung tama ba ang gagawin mo at kung makakatulong ba ito sau.

1 comment: