Monday, February 25, 2013

RH BILL


Ang RH Bill ay nakakatulong sa mga taong mahirap hndi kayang buhayin ang maraming anak. Ito ay makakatulong para maiwasan ang pagdami ng mga kababaehang nanganagnak. Tulad na lamang ng emahe na nasa taas na hindi na alam kng paano nila bubuhayin ang kanilang mga anak. Pero bakit ganun, kung sino pa ang nahihirapan sa buhay un pa ang may lakas na loob na magparami ng anak. Pero dapat bago gumawa ng mga habang isipin muna kung tama ba o nakabubuti ito para sa ating pamilya.

Marami ding bata ang namamatay dahil sa sobrang gutom o kapabayaan ng mga magulang. At ang iba namang nanay ay iniiwan na lang kung saan-saan ang kanilang mga anak kahit ito ay sanggol pa lamang. Tulad na lamang ng emahe na nasa baba na sobrang payat na nila dahil wala na silang makain sa sobrang dami nila...


Meron namang ibang tutol sa RH Bill tulad na lamang ng simbahang katuliko. Tutol ang simbahang katuliko dahil ang gusto nakasaad sa bibliya na tayo ay magparami. At dahil na rin sa rason na ang RH Bill ay paraan ng pagpatay ng mga sanggol o pagpigil na mabigyang pagkakataon ang bawat sanggol na mabuhay.

Meron namang sang-ayon sa RH Bill. Dahil ito ang paraan upang mapigilang ang mga batang naghihirap at nakakaranas ng kagutoman. Para din ito sa mga pamilyang hnd kayang matustusan ang maraming myembro ng pamilya.

Sa panahon natin ngaun dapat magkaroon tayo ng "Family Planning" dahil sa pamamagitan nito mas malaki ang kapasidad na mabibigyan natin ng magandang kinabukasan ang ating pamilya. At para rin magkaroon tayo ng tamang oras sa bawat myembro ng pamilya. Kaya dapat ang mga kabataan katulad ko ay magisip muna kung tama ba ang gagawin mo at kung makakatulong ba ito sau.
MGA PULITIKO
Marami ng mga senator ang naghahanda para sa papalapit na halalan. Marami na rin ang lumabag sa mga batas tulad na lamang ng pagdikit ng mga malalaking tarpaulin sa iba't-ibang lugar. Tulad na lamang ng pangyayaring ito:


Hindi man lang nila nirespeto ang pista na Nazareno. Dapat ang bawat pulitikong kabilang dito sa halalan ay isipin muna kung nakakatulong ba ito sa mga tao o mas nakakagulo para sa lahat. Mas mabuti pang tumulong lang sa mga nangangailan ang mga pulitikong ito kaysa ubusin ang pera sa pagpagawa ng mga tarpaulin.

Sapanahon ngayon wala ng matinong pulitiko dahil halos lahat ay lumalabag sa batas at sila pa mismo ang gumagawa ng krimen. Marami rin sa kanila ang "corupt". Hindi man lang nila inisip kung anong epekto nito sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Kaya dapat sa paparating nahalalan ay isipin mabuti kung sino ang iboboto at kung sino ang nararapat sa bawat posisyon. At piliin ang mga pulitikong alam natin na may gagawa para sa ating bansa o para sa ikauunlad ng lahat.

FRANCISCO NAKPIL

Sino nga ba si Francisco Nakpil?
      -Si Francisco Nakpil ay isang magsasaka sa Hacienda Luisita na nakakaranas ng hindi sapat na pasahod o sweldo. Isa rin sia sa mga magsasaka na humihingi ng katarungan para maibagay kung anong nararapat para sa kanila.




ANO ANG MGA SINASABI NG MGA MAGSASAKA??


Maraming magsasaka ang nagrereklamo dahil sa hindi sapat na pasahod para sa kanila. Sa panayam na ito sinasabi ng mga magsasaka na hindi ang lupa ang habol nila ang gusto nila ay ang tamang sahod para sakanila. Lahat sila ay nagtratrabaho ng maayos at gnagawa nila ang lahat para lang magtanim ng palay, tubo at iba pa. Pero bakit hindi kayang ibigay ng gobyerno ang tamang pasahod para sa kanila.

Sa problemang ito dapat pakinggan din ng mga gobyerno kung anong mga nararamdaman ng bawat magsasakang hndi nakakatanggap ng sapat na sweldo. Malaki ang naitutulong ng mga magsasaka sa ating buhay dahil kung wala sila walang bigas at wala taung kanin nakakainin. Dapat bigyan natin sila ng importansya dahil dugo't pawis ang binuhos nila para lang magtanim o magsaka sa mga bukid. Kung tutuusin nga mas malaki pa ang nagagawa ng mga taong ita kaysa sa mga gobyerno. Kya dapat huwag natin silang balewalain dahil malaki ang naiambag nila sa ating ekonomiya.

Kaya dapat maging pantas ang gobyerno sa mga magsasaka at manggawa dito sa ating bansa. Isipin din nila ang mga pangangailangan ng mga taong naghihirap o tratrabaho para lang maitaguyod ang kanilang pamilya. Ang gobyerno ay dapat gumawa ng hakbang kung paano malutasan ang problemang dinaranas ng mga manggagawa at magsasaka.

PAGSASAPRIBADO NG MGA PAMPUBLIKONG OSPITAL 

Maraming tao ang nagtatanng kung bakit kailangang isapribado ang mga pampublikong ospital. Makakatulong ba talaga ito sa mga tao, lalong lalo na ang mga mahihirap?
Maraming mahihirap ang natatakot na baka mas tumaas ang gastusin pag ang pagsasapribado ng pampublikong ospital ay maipatupad. Marami din ang nagsasabi na baka pagipinatupad ito ay mas maraming mamatay dahil wala silang sapat na pera para ipambayad ng mga babayarin sa ospital. Pero naisip ba nating kung anng mabuting maidudulot nito sa atin? Tulad na lamang ng balitang nasa ibaba...


Sabalitang ito ipinapaliwag kng ano nga ba ang intensyon ng gobyerno sa pagsasapribado ng mga pampublikong ospital. Ipinaliwanag dito ang magpasasapribado ng mga pampublikong ospital ang makakatulong sa mga tao mayaman man o mahirap. Dahil sa paraang ito mas mapapabilis ang proseso ng bawat ospital sa pagtulong sa mga taong may sakit at kailangan ipagamot sa ospital.

Minsan dapat iniisip din natin kung anong mabuting epekto sa ating buhay ang mga desisyon ng mga gobyerno at hindi dapat laging nag-iisip ng kung anu-ano. Matuto din tayong magtiwala sa atiing mga gobyerno dahil maging sila ay iisa ang gusto nila ang mapabuti at makatulong sa bawat mamayanan sa basang ito. At gusto lng naman ng ating mga gobyerno ay ang umasenso ang bawat tao at para magkaroon ng magandang kinabukasan.

Sunday, February 24, 2013

SEKTOR NG AGRIKULTURA

Una sa lahat na nga ba ang Agrikultura?
  • Ito ay isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyal mula sa likas na yaman.
  • Ito rin ay kabilang sa sector na ito ang paghahayupan, paggugubat, at pagsasaka.
"Sa video na ito ipinapakita ang mga sektor na kabilang sa agrikultura."

Ito ang mga hanapbuhay na kabilang sa sektor ng agrikultura:
  • Pagsasaka - pagtatanim ng mga prutas, gulay, mais, niyog, palay, tubo at iba pa.
  • Pangingisda - nag-aalaga at nagbebenta ng mga isda.
  • Paghahayupan - nag-aalaga at nagbebenta ng mga baboy, baka, kambing, at iba pa.
  • Pagmamanukan - nag-aalaga at nagbebenta ng mga manok, gansa, pato at iba pa.
       

Ang bawat sektor ng agrikultura ay napakahalaga dahil nakapaghahatid ito ng mga dolyar sa pamamamigatan ng mga produktong iniluluwas sa iba't-ibang bansa. Malaki ang naitutulong ng bawat manggagawa sa ating bansa tulad na lamang ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pa. Tinitiyak din nila na may makakain ang bawat Pilipino sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

May mga problema ding hinaharap ang sektor ng agrikultura. Tulad na lamang ng pagtaas ng gastusin at bilihin. Tulad ng mga magsasaka na prinoproblema ang pagrenta sa lupa, abono, patubig, pestisidyo, mga kagamitan sa pagsasaka at transportasyon.

Ito pa ang ibang problema na hinaharap ng sektor ng agrikultura:
  • Problema sa Imprastraktura
  • Problema sa Kapital
  • Masamang Panahon
  • Malawakang pagpapalitpalit-gamit ng lupa
  • Pagdagsa ng mga Dayuhang Kalakal



Kaya dapat ang bawat isa sa atin ay magtulungan at dapat ang mga gobyerno ay kumilos din para gumawa ng paraan para malutasan ang mga problemang hinaharap ng mga sektor ng agrikultura.


HACIENDA LUISITA


Saan nga ba nagsimula ang Hacienda Luisita?? Sa palabas na ito makikita kung saan at kung paano nagsimula ang Hacienda Luisita.




Ang Hacienda Luisita ay may 6,435-hectarya. Ito ay isang pananiman ng mga tubo na pinanggagalingan ng produkto ng mga asukal. Maraming magsasaka ang nagrereklamo dahil sa mababang pasahod at para rin magkaroon cla ng karapatan sa lupang tinataniman nila. Dapat lang na magkaroon ng karapatan ang magsasaka sa Hacienda Luisita dahil lahat ay ginawa nila para lupang ito kahit na nahihirapan sila sa pagtatanim ng mga tubo.

Sa paglaban sa karapatan ng mga magsasaka at  manggagawa sa Hacienda Luisita marami ang namatay. Pero ang lahat ba ng mga namatay na ito ay nagkaroon ng hustisya? Hindi diba? Ang gusto lang naman ng mga taong ito ay magkaroon ng sapat na sahod at magakaroon ng karapatan sa lupang sinasakahan nila. Ginagawa lng naman nila ito para sa kanilang pamilya upang magkaroon ng mapayapang pamumuhay at maganda kinabukasan para sa mga anak nila.

Lahat tayo ay nagtratrabaho para magkaroon ng magandang buhay at mabigyan ang ating pamilya ng maginhawang pamumuhay. Sino nga naman ang ayaw ng maginhawang pamumuhay diba? Pero ang tanong ang mga sahod ba ng bawat magsasaka at manggagawa ay sapat na? Maraming tao ang nagsasabi na kulang pa ang sahod na binibigay ng gobyerno. Samantalang malaki naman ang perang nakatala dto. Pero saan ba napupunta ang mga perang ito? Walang nakakaalam iba... Samantalang maaraming gobyerno ang umayaman at hindi na nila alam kung saan ilalagay ang mga pera nila.

Kaya dapat gumawa ng paraan ang mga gobyerno para malutas ang mga problemang ito at para mabigyan ng sapat na sahod ang lahat ng mga magsasaka at manggagawa.