Monday, February 25, 2013

FRANCISCO NAKPIL

Sino nga ba si Francisco Nakpil?
      -Si Francisco Nakpil ay isang magsasaka sa Hacienda Luisita na nakakaranas ng hindi sapat na pasahod o sweldo. Isa rin sia sa mga magsasaka na humihingi ng katarungan para maibagay kung anong nararapat para sa kanila.




ANO ANG MGA SINASABI NG MGA MAGSASAKA??


Maraming magsasaka ang nagrereklamo dahil sa hindi sapat na pasahod para sa kanila. Sa panayam na ito sinasabi ng mga magsasaka na hindi ang lupa ang habol nila ang gusto nila ay ang tamang sahod para sakanila. Lahat sila ay nagtratrabaho ng maayos at gnagawa nila ang lahat para lang magtanim ng palay, tubo at iba pa. Pero bakit hindi kayang ibigay ng gobyerno ang tamang pasahod para sa kanila.

Sa problemang ito dapat pakinggan din ng mga gobyerno kung anong mga nararamdaman ng bawat magsasakang hndi nakakatanggap ng sapat na sweldo. Malaki ang naitutulong ng mga magsasaka sa ating buhay dahil kung wala sila walang bigas at wala taung kanin nakakainin. Dapat bigyan natin sila ng importansya dahil dugo't pawis ang binuhos nila para lang magtanim o magsaka sa mga bukid. Kung tutuusin nga mas malaki pa ang nagagawa ng mga taong ita kaysa sa mga gobyerno. Kya dapat huwag natin silang balewalain dahil malaki ang naiambag nila sa ating ekonomiya.

Kaya dapat maging pantas ang gobyerno sa mga magsasaka at manggawa dito sa ating bansa. Isipin din nila ang mga pangangailangan ng mga taong naghihirap o tratrabaho para lang maitaguyod ang kanilang pamilya. Ang gobyerno ay dapat gumawa ng hakbang kung paano malutasan ang problemang dinaranas ng mga manggagawa at magsasaka.

1 comment:

  1. Casinos Near Casino Lake Tahoe - Mapyro
    View 고양 출장샵 real-time reviews and reviews of casinos 진주 출장마사지 and 청주 출장샵 other gaming facilities at Casino Lake 부천 출장마사지 Tahoe in Lake Tahoe 속초 출장마사지 - view the ✓menu, ⏰hours, ☎️phone number,

    ReplyDelete