Monday, February 25, 2013

MGA PULITIKO
Marami ng mga senator ang naghahanda para sa papalapit na halalan. Marami na rin ang lumabag sa mga batas tulad na lamang ng pagdikit ng mga malalaking tarpaulin sa iba't-ibang lugar. Tulad na lamang ng pangyayaring ito:


Hindi man lang nila nirespeto ang pista na Nazareno. Dapat ang bawat pulitikong kabilang dito sa halalan ay isipin muna kung nakakatulong ba ito sa mga tao o mas nakakagulo para sa lahat. Mas mabuti pang tumulong lang sa mga nangangailan ang mga pulitikong ito kaysa ubusin ang pera sa pagpagawa ng mga tarpaulin.

Sapanahon ngayon wala ng matinong pulitiko dahil halos lahat ay lumalabag sa batas at sila pa mismo ang gumagawa ng krimen. Marami rin sa kanila ang "corupt". Hindi man lang nila inisip kung anong epekto nito sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Kaya dapat sa paparating nahalalan ay isipin mabuti kung sino ang iboboto at kung sino ang nararapat sa bawat posisyon. At piliin ang mga pulitikong alam natin na may gagawa para sa ating bansa o para sa ikauunlad ng lahat.

1 comment: