Saan nga ba nagsimula ang Hacienda Luisita?? Sa palabas na
ito makikita kung saan at kung paano nagsimula ang Hacienda Luisita.
Ang Hacienda Luisita ay may 6,435-hectarya. Ito ay isang
pananiman ng mga tubo na pinanggagalingan ng produkto ng mga asukal. Maraming
magsasaka ang nagrereklamo dahil sa mababang pasahod at para rin magkaroon cla
ng karapatan sa lupang tinataniman nila. Dapat lang na magkaroon ng karapatan
ang magsasaka sa Hacienda Luisita dahil lahat ay ginawa nila para lupang ito
kahit na nahihirapan sila sa pagtatanim ng mga tubo.
Lahat tayo ay nagtratrabaho para magkaroon ng magandang
buhay at mabigyan ang ating pamilya ng maginhawang pamumuhay. Sino nga naman
ang ayaw ng maginhawang pamumuhay diba? Pero ang tanong ang mga sahod ba ng bawat
magsasaka at manggagawa ay sapat na? Maraming tao ang nagsasabi na kulang pa
ang sahod na binibigay ng gobyerno. Samantalang malaki naman ang perang
nakatala dto. Pero saan ba napupunta ang mga perang ito? Walang nakakaalam
iba... Samantalang maaraming gobyerno ang umayaman at hindi na nila alam kung
saan ilalagay ang mga pera nila.
Kaya dapat gumawa ng paraan ang mga gobyerno para malutas
ang mga problemang ito at para mabigyan ng sapat na sahod ang lahat ng mga
magsasaka at manggagawa.
i like it very colorful...nice commentaries :)
ReplyDelete