Saturday, March 2, 2013

UNDERGROUND ECONOMY
  • Ano nga ba ang underground economy?

       - Ang Underground Economy ay tumutukoy sa mga transaksiyong pang ekonomiya. Ito ay mga uri ng hanapbuhay at mga tao na kumikita ngunit hindi nakukuwenta at hindi nakatala sa pamahalaan. Ang ganitong uri ng negosyo at hanapbuhay ng mga tao, legal man o ilegal ay hindi nagbabayad ng buwis. Tulad ng mga tao naghahanapbuhay na ito:


  • May dalawang uri ang underground economy ito ay ang legal at ilegal. Sinu-sino ba ang kabilang sa legal at ilegal?
Ito ang mga kabilang sa underground economy na legal:
            - Sari-Sari Store

            - Karinderya
            - Newspaper Vendor
            - Fish Ball Vendor
            - Side car/ Tricycle Boy
            - Jeepney Driver
            - Kargador
            - Cigarette Vendor at marami pang iba.

   

Ito naman ang mga kabilang sa underground economy na ilegal:
            - Drug Trafficking
            - Kidnapping
            - Smuggling
            - Illegal Gambling
            - Snatching 
            - Pasugalan at marami pang iba.

  

Ito ang iba't ibang uri ng trabaho na kabilang sa underground economy. Marami sa atin ang naghahangad ng magkaroon ng magandang trabaho pero hnd lahat  ay pinagpalang magkaroon ng magandang trabaho. Dahil maraming tao ang naghahanapbuhay o nagnenegosyo kung saan-saan para lng mabuhay ang pamilya at makakain ng tatlong beses sa isang araw. Marami din tao ang nagtataya ng buhay para lang mapagaral ang kanilang mga anak. Ginagawa nila ito upang mabuhay sa araw-araw kahit gaano kahirap ang mga ito.

Kaya dapat suportahan o bigyan ng gobyerno ang mga taong ito na naghahanapbuhay o nagnenegosyo para maitawid ang kanilang pamilya sa kahirapan. At dapat sa lahat tao ay huwag sumuko kahit gaano pa man kahirap ang mga dinaranas natin sa mundong kinatatayuan natin. Lahat tayo ang may kakayahang gawin ang lahat kaya huwag isiping hindi natin malalampasan ang mga bagay-bagay na ito dahil hindi tayo pababayaan ng Diyos.